
8
89
5
5k
1
₱5 Milyon Pabuya Para Pasabugin ang Comelec: Suspek Arestado
Arestado ang isang lalaki dahil sa pag-alok ng pabuya para pasabugin ang mga tanggapan ng Comelec. Naganap ang insidente sa Cebu, ilang araw bago ang eleksyon. Ayon sa NBI, nagbanta ang suspek noong May 5 o 7. Nahaharap siya sa kasong paglabag sa PD 1727 at RA 11479. Sinabi ni Atty. Renan Oliva, Regional Director ng NBI-Cebu, na ang pag-alok ng pabuya ay isang malaking banta sa seguridad ng eleksyon. "Hindi biro yan," aniya. "Ang Department of Justice, ang NBI, inaksyunan kaagad namin." Nabatid na ang Comelec ay na-alarma din. Kasalukuyang nakakulong ang suspek at nahaharap sa kaso.
one month ago
PH
Cebu, Philippines
news release
pabuya